Home>News>Nation>TRB aayusin gulo sa RFID

TRB aayusin gulo sa RFID

GIGITNA na ang Toll Regulatory Board (TRB) sa Valenzuela LGU at Metro Pacific Tollways Corporation para ayusin ang problema sa RFID ng North Luzon Expressway.

Sa interview sinabi ni Julius Corpuz, spokesperson ng TRB, na handang pumagitna ang agency para ayusin ang problema ng RFID sa pagitan ng Valenzuela LGU at NLEX management.

Ito ay kasunod ng deadline ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na kanyang kakanselahin ang Business Permit ng NLEX kung hindi mareresolba ang traffic sa mga exit at entry points sa naturang expressway hanggang kahapon.

Ayon kay Corpuz, nais nilang pumagitna sa dalawang panig upang hindi mabalam ang byahe ng mga motorista sa NLEX.

Kabilang sa mga tinukoy ng TRB na kanilang isusumiteng solosyon ay ang paglalagay ng NLEX ng emergency cash lane payment sa mga tollgate ng expressway para maibsan ang traffic sa expressway hanggat hindi naaayos ng kompanyang MPTC ang mga gusot sa mga electronic cash collection nito.

Sabi ni Corpuz, makikipagtulungan sila sa Valenzuela LGU at MPTC para kapwa maresolba ang anumang gusot sa pagpapatupad ng cashless transactions sa mga tollgate.

Samantala, ayon sa report ,isusumite na ng NLEX management ang kanilang sagot sa sulat na ni Gatchalian tungkol sa RFID isyu, at kabilang dito ang mga recommendation, proposal at solution sa RFID issue.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight