UHC Law implementation pinaglalaban ni Go

June 28, 2020
Bong Go

TINIYAK ni Senator Christopher Lawrence "Bong" Go sa lahat ng Filipinos na ilalaban niya ang implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law at maisalba ang operasyon Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth) National Health Insurance Program.

Ayon kay Sen. Go, napakahalaga ng kalusugan ng bawat isa kaya prayoridad niya ito, lalo ngayong panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, isiniwalat ni Go na bukod sa kasalukuyang badyet para sa mahigit 6 milyong senior citizens, ay ipina-follow up na rin niya na mailabas kaagad ang karagdagang P4 bilyon para sa 800,000 senior citizens.

Ang tinutukoy ni Go ay ang dagdag na P4 billion halaga ng pondo na magko-cover 1-year health insurance premium contribution ng 800,000 senior citizens.

"Malaking ginhawa po ito sa kanila lalo na sa kasalukuyang pandemic na nagbabanta sa kanilang kalusugan," ani Go.

"As one of the high risk groups who need adequate safeguards against COVID-19, the government should continue promoting the welfare of senior citizens who have dedicated their lives contributing to nation-building," dagdag niya.

"Malaki po ang kontribusyon ng ating senior citizens sa ating lipunan. Panahon naman po para ibalik natin ito sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong may malasakit at maaasahan," anang senador.

Alinsunod sa RA No. 10645, ang lahat ng senior citizens ay covered ng National Health Insurance Program ng PhilHealth.

Inapela na rin noong una ni Go sa Department of Health na tiyakin ang availability ng mga gamot at supplements na kailangan ng elderly population sa harap ng COVID-19 pandemic, maging ang  probisyon sa 20% discount sa vitamins and mineral supplements na reseta ng kanilang mga doktor.

"Patuloy natin na ipinaglalaban ang kapakanan at kabutihan ng ating senior citizens.

"Napakaimportante po ng PhilHealth sa atin at iyong health care system natin. We cannot afford na mag-falter o mag-fail dito sa mga succeeding years pa po. Dahil nangako tayo. Inaprubahan po ito ng Kongreso, iyong UHC Law, at iyon—lalung-lalo na po sa mga mahihirap nating mga kababayan na wala pong pambayad talaga. Umaasa po na sasagutin po ng PhilHealth iyong mga kulang," ayon sa senador.