Home>News>Nation>Walang Hidwaan:

Walang Hidwaan:

HINDI lamang maituturing na isang simpleng gesture ang ginawang pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-50 kaarawan ni dating House Speaker at Taguig -Pateros Rep. Alan Peter Cayetano bagkus indikasyon ito na walang hidwaan sa pagitan nito gaya ng spekulasyon ng mga kritiko at pagpapakita na mas malalim ang pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa kaysa sa isyung nangyari kamakailan sa Kamara.

Ayon sa UP Political Analyst na si Ranjit Rye, palabasin man ng iba na mayroong misunderstanding sa pagitan ng dalawa ay malinaw sa naging pagbati ng Pangulong Duterte na matibay ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan.

“The birthday greeting is not just a greeting, it’s reaching out for both sides. I think it’s really inevitable not to reach out because they are really good friends. Cayetano has been with President Duterte since the start,” pahayag ni Rye.

Sa halos dalawang minutong taped video ni Pangulong Duterte para sa kaarawan ni Cayetano ay sinabi nitong nais nyang makisama sa importanteng araw sa buhay ng kongresista at kinikilala din nito ang kanyang mga nagawa.

“Alan Peter Cayetano, today is a very special day and I would like to share the glorious moment of another milestone in your life. You have achieved so much and you need not really feel bad about everything that transpired during the last few days.You did your best and next time given a chance I feel that you will succeed and do better. This day I just wan’t to say Mabuhay Ka, Happy Birthday!,” ang pagbati ni Pangulong Duterte.

Giit pa ng batikang analyst na ipinakita lamang ni Pangulong Duterte ang buong suporta nya kay Cayetano.

“Other people may not see it but the President clearly knows and recognizes the important contribution of Speaker Cayetano , when you look back at the past two years, you will see that Cayetano has been in the forefront of it all, from the successful SEA games and the legislation of two important bills to address the pandemic, the Bayanihan 1 and 2,” paliwanag ni Rye.

Si Cayetano ang syang principal sponsor ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 na syang stimulus package ng Duterte Administration para tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa, sa ilalim ng Bayanihan to Health as One Act(Bayanihan 1) ay nabigyan si Pangulong Duterte ng emergency power para mare-align ang P275 billion sa P438 billion national budget na inaprubahan para sa taong 2020, ang nasabing hakbang ang syang nagbigay daan kaya agad na nakabili ng personal protective equipment sa mga frontliners at mga testing kits gayundin ay nakapagbigay ng tulong pinasyal sa mga apektadong sektor habang ang Bayanihan To Recover As One Act (Bayanihan 2) ay nagbigay daan para sa paglalaan ng ₱165.5 billion fund para sa pandemic response and recovery.

Matatandaan na nang maitalaga bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs(DFA) si Cayetano sa ilalim din ng Duterte Administration ay naipatupad ang 10-year validity ng passport, nagkaroon ng passport on wheels upang maging mabilis ang pagkuha ng passport at naipatupad ang online payment system na tumapos sa mga problema sa pagkuha ng passport appointments.

Tumaas din mula sa dating P400 million ay naging P1 billion ang pondo para sa Assistance to Nationals (ATN) Fund at Legal Assistance Fund (LAF) na nagresulta para mas maraming distressed OFWs ang matulungan.

Ayon sa Pulse Asia, nang pamunuan ni Cayetano ang House of Representatives, nakuha nito ang historial performance approval na 80% at trust rating na 76% na pinakamataas sa kasaysayan ng isang speaker. Ang kamara naman ay nakakuha ng mataas na 66% performance rating sa pamumuno ni Cayetano.

Idinagdag pa ni Rye na sa naging pagbati ng Pangulo ay ipinakita nito ang kanyang kumpiyansa kay Cayetano bilang katuwang nya sa kanyang administrasyon.

Publication Source :    People's Tonight