Home>News>Nation>Welder tinamaan ng metal frame sa ulo, dedo

Welder tinamaan ng metal frame sa ulo, dedo

ISANG welder ang nasawi makaraang aksidenteng tamaan sa ulo ng ‘metal frame’ sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa Quezon City, nitong Martes ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Rey Obenza Hipolito, 53, may asawa, welder, at residente ng Ilang-Ilang St., Area 2, Barangay Capri, Novaliches, Quezon City,

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 5 a.m. (November 24) ng maganap ang aksidente sa JCD Metal Fabrickcore na matatagpuan sa 128 P. Dela Cruz Street, Barangay San Bartolome, Novaliches.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PMSg. Roldan V Cornejo, ng CIDU-QCPD, abala umano sa trabaho si Joel Profugo ng makarinig ng malakas na kalabog mula sa likuran at nang kaniyang tingnan ay nakita niyang tinamaan ng metal A-frame ang kasamahang welder.

Agad na isinugod sa Bernardino General Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa ulo, ayon sa attending physician na si Dr. Reigner Fiesta.

Publication Source :    People's Tonight