1 nagbigti, 1 pa tinaga sa Laguna

December 04, 2018

PAGSANJAN, Laguna -- Isang lalaki ang namatay matapos magbigti at isa pa ang namatay din nang tagain sa bayang ito noong umaga ng Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Jefferson Ruda Borromeo, ng Bgy. Poblacion Dos, Pagsanjan, na ang bangkay ay natagpuan alas-8 ng umaga sa labas ng kanyang bahay.

Isang nakasaksi na nakilalang si Christian Banadera Cabantog ang nagsabi sa pulisya na nakita  ang pumatay kay Borromeo at kinilala nito na si Mario Cortez Borromeo, malapit na kaanak umano ng biktima.

Sinabi niya sa pulisya na nakita niyang sakal-sakal ng suspek ang biktima at sa takot ay tumakbo siya papalayo dahil nakita siya ng salarin.

Agad namang naaresto ang suspek at inamin umano ang pagkakasala nito.

Samantala sa bayan ng Kalayaan, pinaghahanap ng pulisya ang isang nagngangalang ‘William’ na siyang tumaga umano at nakapatay kay Apolinio Francisco, ng Poblacion, Bgy. San Antonio.

Dakong alas-9:25 ng gabi sa Sitio Buo, sa naturang lugar nang pagtatagain hanggang sa mapatay ang biktima sa motibong ’di pa matukoy ng pulisya.