13-anyos ginahasa ng call center rep sa Baguio

November 28, 2018

BAGUIO City -- Isang 13-anyos na batang babae ang ginahasa umano ng isang Darwin Valeroso Pasana, 22, Customer Service representative ng SITEL at naninirahan sa 24 Dr. Cariño, Lower QM.

Ayon sa salaysay ni Sabel (hindi tunay na pangalan) sa Baguio City Police Office (BCPO) Station 5, ang insidente ay nangyari sa pagitan ng 2:30 at 4 p.m. nu’ng Martes sa nasabi ring lugar.

Sinabi ng biktima na habang nasa loob siya ng computer shop, ang suspek ay umupo sa tabi niya at dinampi-dampi sa pamamagitan ng kanyang kaliwang paa ang paa ng biktima na hindi naman nito binigyan ng pansin.

Hanggang sa kinausap ng suspek ang biktima at kinumbinsing sumama sa boarding house na kanyang tinutuluyan. Habang nasa loob na sila ng boarding house, inihiga ng suspek ang menor de edad sa kama na hindi na nakapalag dahil sa takot na baka siya saktan ng suspek at doon naganap ang pang-aabuso.

Umuwi kaagad ang biktima pagkatapos ng insidente at agad na nagsumbong sa kanyang nanay na dali-dali namang nagtungo sa lugar ng pinangyarihan at dinala ang suspek sa barangay hall bago nagtungo sa himpilan ng pulisya paramagsampa ng reklamo.