13-anyos ginahasa ng volleyball trainor ng 3X!

August 16, 2019

SA pangatlong pagkakataon ay hindi nagtagumpay ang muling panggagahasa ng isang 18-anyos na part time trainor ng Volleyball sa isang Grade 7 na estudyanteng babae matapos maaresto ng  kagawad ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at ng Womens and Children Protection Desk (WCPD) sa isinagawang entrapment operation sa suspek sa Villa Zorela Resort ,Pila , Laguna, Huwebes ng hapon.

Dahil sa kakaibang ikinikilos ng 13-anyos na biktima ng kanyang magulang ay saka nito ipinagtapat ang ginawang panghahalay ng dalawang beses  ng suspek na kinilalang si Jimwell de Leon , alias “We-We” at Grade 11 student ng CMDI, Bgy. Calo, Bay, Laguna,

Ayon sa magulang ng biktima, kapuna-puna ang pagiging balisa maging ang kilos ng kanilang anak sa mga nakaraang ilang araw  dahil sa matamlay at parang may kinatatakutan.

Natuklasan ng magulang sa pamamagitan ng Facebook ang dahilan kung sino ang suspek na responsable sa panghahalay.

Dahil sa pangyayari, mismong ang ina ng biktima ang nakipag-usap  sa suspek. Lingid sa kaalaman ng suspek, kasunod  ay humingi ang ina ng tulong sa pulisya para sa entrapment operation na isasagawa.

Halos 15 minuto nasa loob ng kuwarto ang biktima gayundin ang  suspek ng arestuhin  ng operatiba ang suspek.

Samantala, kusang loob namang   inamin ng suspek sa pulisya ang tatlong magkasunod na insidente na ginawa sa batang babae.

Dagdag pa nito na may relasyon umano sila ng biktima mahigit isang buwan na ang nakakaraan.

Taliwas naman aniya sa sinabi ng mga magulang ng biktima na palagian umanong tinatakot ito ng suspek kaya suuod-sunuran ito sa kanya.

Nagkakilala lamang aniya sila ng tumayo umano itong trainor ng volleyball sa kanilang eskwelahan kamakailan.

Nakatakdang sampahan ng  kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law) at RA 9165 (Illegal Drugs) ang suspek matapos makuha pa sa kanyang pag-iingat ang apat na small plastic sachet ng shabu. Ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa Pila PNP Lock Up Cell.