13 Laguna hazing suspects kinasuhan

October 02, 2019

LABINGTATLONG suspek na sangkot sa madugong hazing sa 18-anyos na  estudyante ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) ang sinampahan na ng kaso sa piskalya.

Kinilala ni Lt. Col. Eliseo Bernales, hepe ng San Pablo Police, ang mga suspek na sina Kier Martinez, Jholues Baldeo, Shairus Alegado, John Keith Pasco, Mark Anthony Grutas, Kay Averion, Justine Recto, Louel Jay Silang, Jincent Ross Diaz Sotero, Renze Valenzuela, Kyla Nicole Nepomuceno, Kevin Adrian Torrano, Alfred Suarez, pawang nasa hustong gulang at residente ng lungsod ng San Pablo.

Ang 12 mga suspek ay pormal ng sinampahan ng kaso sa City Prosecutors Office Gamaliel G. Bello ni Sarah Concordia Castillo, 41, guardian ng biktima, ng Blk 20 L3 Codillera St. Joel Town Subdivision, Bgy. San Rafael, San Pablo City, Laguna.

Nakatakda namang i raffle ang kaso, ayon sa piskalya.

Ang biktimang si Jonathan Cabuenos Concordia, 18, ng Bgy. Cocepcion, San Pablo City, ay nawalan ng malay habang nagbubuhat ng barbel sa loob ng school gyms noong September 23, dakong alas 12:10 p.m

Dahil sa pananakit ng katawan ay agad humingi ng tulong si Concordia kay Joshua Guevarra Pasco, 19, na agad dinala ang biktima sa school clinic.

Ang biktima ay inilipat sa San Pablo Doctors hospital at agaran ding inilipat muli sa Chinese General Hospital sa Manila.

Ayon sa medico legal, posibleng naapektuhan ang utak ng biktima dahil sa pagpapahirap na tinamo sa hinihinalang hazing rites. Hirap itong magsalita at hindi rin makausap ng maayos.

Nakilala ang mga suspek sa isang group chat mula sa Trade LSPU SPCC kung saan ito napasali sa grupo ng Tau Gamma Phi at nagpapatunay na nasa ilalim ng initiation sa grupo.