Home>News>Provincial>14-anyos grinipuhan sa dibdib, tigok

14-anyos grinipuhan sa dibdib, tigok

ISANG 14-anyos na batang lalaki ang sinaksak sa Bgy. Embarcadero, Mangaldan, Pangasinan, bandang 12:20 a.m. ng Biyernes.

Kinilala ng mga rumespondeng miyembro ng Mangaldan Police ang biktima na si Kenny Fernandez, 14, walang asawa at residente ng nasabing lugar.

Ang suspek ay nakilalang si Jerico Delos Reyes a.k.a. “Eddie“, 18, walang asawa, walang trabaho at residente ng Bgy. Malabago, Mangaldan.

Ayon sa report ng Mangaldan PS, naglalakad ang biktima at tatlo pang kasama sa nasabing lugar, nang kumprontahin ito ng suspek at isang kasama nito tungkol sa matagal na nilang samaan ng loob na nagresulta ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Agad na sinaksak ng suspek ang biktima.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, binunot ng suspek ang patalim sa kanyang baywang sabay unday ng saksak sa dibdib ng biktima at agad na tumakas.

Ang biktima ay dineklarang dead on arrival sa Region 1 Medical Center sa Dagupan City.

Ang mga tauhan ng Mangaldan PS ay agad nagsagawa ng follow-up imbestigation na nagresulta ng agarang pagkadakip sa suspek at pagkarekober sa patalim na ginamit sa krimen.

Publication Source :    People's Tonight