Home>News>Provincial>2 babae nagbebenta ng pekeng BIR TIN cards

2 babae nagbebenta ng pekeng BIR TIN cards

Suspek
Ang dalawang arestadong suspek. Kuha ni GIL AMAN

DALAWANG babae ang naaresto habang ang isa ay nakatakas dahil umano sa pagbebenta ng pekeng BIR TIN cards kamakalawa ng hapon sa Bgy. Sta Clara Sur, Pila,Laguna.

Base sa ulat ni Pila Deputy chief of Police PLt. Joel Golimlim, timbog sina Divina Banog-Banog, 40, at Clarivel Lovingco, 29, kapwa residente ng nasabing lugar.

Samantala, nakatakas ang isang suspek na nakilalang si Diane Alvarez Banog-Banog, 20, anak ng suspek na si Divina.

Sa isinawang imbestigasyon, nag-ugat ang pag-aresto dahil sa ilang mga magkakasunod na reklamo na natatanggap ng pamunuan ng BIR sa San Pablo City hinggil sa iligal na transaksiyon ng mga suspek.

Ayon kay Police PLt. Joel Golimlim, napag-alaman na si Diane Alvarez ay nagbenta ng pekeng TIN Card sa halagang P2,000 samantalang tumayo naman na poseur buyer ang BIR Intel Officer.

Sa isinagawang transaksiyon, sinasabing sa halip na lumutang si Alvarez, ang kanyang ina na si Divina ang humarap sa mga otoridad bitbit ang nasa 15 piraso ng pekeng TIN cards kasunod ang isinagawang pag-aresto.

Matapos itong maaresto, agarang itinuro nito ang kanilang kasabwat na si Lovingco na naaresto sa inilatag na follow-up operation.

Sinsbi ng mga suspek na mula pa aniya sa Bulacan ang kanilang ibinebenta na mga pekeng TIN Card.

Sinabi pa ni Golimlim na libre ang TIN Card sa BIR at hindi ibinebenta, subali’t pinagkikitaan ng mga suspek sa halagang P2,000 sa kanilang transaksiyon.

Nahaharap sa paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997, Sec. 257 (B8) and Sec. 3 of ART 172 RPC ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Pila PNP Lock Up Cell.

Sinabi ni Golimlim na ang BIR TIN Card ay libre at hindi binabayaran at magtungo na lamang sa sangay ng BIR Office.

Mariing itinanggi ng mga suspek ang paratang sa kanila. Sila ay ipinagharap na sa inquest proceedings sa RTC Sta Cruz,Laguna.

Publication Source :    People's Tonight