2 drug suspect nanlaban sa Batangas pulis, patay

January 28, 2020

DALAWANG hinihinalang drug pushers ang nasawi matapos na umano’y manlaban sa mga alagad ng batas sa isinagawang buy bust operation sa Padre Garcia, Batangas.

Nakilala ang mga nasawi na sina Louie Mendoza at Richard De Guzman.

Batay sa ulat ng Batangas Police ang  operasyon ay  naganap dakong 1:15 ng madaling araw sa Bgy. Banaba, Padre Garcia, Batangas.

Sa gitna ng opersyon, natunugan ng mga suspect na pulis ang kanilang kliyente kung kaya’t agad silang bumunot ng baril at tinangkang barilin ang mga alagad ng batas subalit naunahan sila ng mga ito.

Na-recover mula sa mga suspect ang anim na pakete ng hinihinalang shabu  na may bigat na 250 gramo na nagkakahalaga ng P1.7 million.

Nakuha rin mula sa mga suspect ang P350,000 boodle money, isang kalibre 45 na baril at isang kalibre .38 revolver.