Home>News>Provincial>2 gumaling, 2 bagong COVID case sa Calapan

2 gumaling, 2 bagong COVID case sa Calapan

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro — Noong September 3 ay may naitala ang City Health and Sanitation Department na dalawang gumaling sa COVID-19. Sila ay isang lalaking returning Overseas Filipino Worker (OFW) na taga Bgy. Sapul at isang babaeng police officer, ayon kay Mayor Arnan Panaligan.

Kasabay nito ay may tatlong bagong naitala rin na COVID-19 cases. Sila ay isang 47-year-old na lalaki mula sa Bgy. San Antonio at isang 22-year-old na babaeng miyembro ng staff ng City Health and Sanitation Department, parehong nasa City Treatment and Isolation Facility, at isang 49-year-old na babae na taga Quezon City, na ayon a report ay nagpunta sa Calapan City at Mansalay town para sumali sa isang business bidding.

Ang pangatlong COVID positive ay at kasalukuyang nasa old OMPH quarantine facility.

Muli ang paalala ng butihing alkalde na mag-ingat, laging magsuot ng face mask, mag-obserba ng physical distancing, mag-disinfect ng sarili, gumamit ng alcohol o sanitizer sa mga kamay at iwasan ang pakikisalamuha sa maraming tao. Lumabas lamang ng bahay kung kinakailangan, dagdag pa nya.

Sinabi rin ng mayor na kailangang panatilihing malakas ang resistensya ng katawan. disiplina, at personal na responsibilidad sa sarili.

Publication Source :    People's Tonight