Home>News>Provincial>2 magkapatid timbog sa gahasa ng 11-anyos

2 magkapatid timbog sa gahasa ng 11-anyos

DALAWANG magkapatid na lalaki ang naaresto ng pulisya dahil umano sa panggagahasa sa 11-anyos na babae sa Bgy. Sto Angel Norte, Sta Cruz, Laguna.

Kinilala ni PLT. Col. Chitadel Gaouiran, hepe ng Sta Cruz police, ang mga suspek na sina Nico Mella, 29, tricycle driver at Norvin,28, construction worker.

Base sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Judge Cynthia Marino Ricablanca, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 26, Sta. Cruz, Laguna kapwa nahaharap sa paglabag sa kasong Statutory Rape/Rape through Sexual Assault, (6/7 Counts) ang magkapatid na suspek.

Batay sa talaan ni Sta. Cruz Police PLt. Col. Gaoiran, lnaganap ang insidente noong 2015.

Naaresto ng mga tauhan ni Gaoiran na sina PEMS Aldrin Sulit, PMSGt. Rex Cabrera, PCpl. Algy Riguer at PCpl. Melvin Belen ang mga suspek.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Sta. Cruz PNP Custodial Cell. Sila ay hindi pinayagang makapagpiyansa ng korte.

Publication Source :    People's Tonight