Home>News>Provincial>2 passenger vessels lumubog dahil kay Quinta

2 passenger vessels lumubog dahil kay Quinta

MABINI, Batangas — Dalawang passenger vessel na nakadaung ang naireport na lumubog, sa karagatan ng bayang ito sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Quinta, ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang mga lumubog ay ang MV St. Nuriel at ang barkong St. Dominic

Sinabi ng PCG officials na ligtas naman ang mga crew na sakay ng MV St. Nuriel at nananatili ngayon sa Mabini Community Hospital para sa medical assistance.

Base sa report hinambalos ng malalakas na alon ang barko hanggang sa tuluyang lumubog.

Hindi din pinalampas ng bagyong Quinta ang barkong St. Dominic 1 at tuluyang lumubog dahil sa lakas ng hampas ng alon at hangin.

Publication Source :    People's Tonight