Home>News>Provincial>4.8 lindol inuga Sultan Kudarat

4.8 lindol inuga Sultan Kudarat

MULING inuga ng magnitude 4.8 na lindol ang bahagi ng Mindanao region, kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa monitoring report ng Phivolcs bandang 6:51 a.m. nang ugain ng lindol ang East of Columbio, Sultan Kudarat.

Tectonic ang origin ang lindol at umabot sa 20 kilometers ang lalim nito sa lupa ayon sa Phivolcs.

Dahil sa paglindol, naramdaman ang Intensity III sa Tampakan, South Cotabato, Intensity II sa General Santos.

Naramdaman din ang Intensity IV sa Koronodal City, South Cotabato, Intensity III sa Malungon, Sarangani, at Intensity I sa Alabel, Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, wala silang naiulat na damage of property at wala ring inaasahan.

Gayunpaman nagpaalaala ang agency sa mga residente na maging extra vigilant at makinig sa mga tagubilin ng authority.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight