Home>News>Provincial>43K manok dedo dahil sa heat stroke!

43K manok dedo dahil sa heat stroke!

HUMIGIT- KUMULANG na 43,000 na mga manok ang mga namatay dahil sa pagkawala ng supply ng kuryente matapos masira ang circuit breakers ng Happy Nest Poultry Farm sa Bgy. Maravilla, Nagcarlan, Laguna, Miyerkules ng umaga.

Poultry Chicken
Ang daan-daang libong mga manok nanamatay dahil sa pagkawala ng supply ng kuryente matapos masira ang circuit breaker at mawala ang ventilation. Kuha ni GIL AMAN

Bandang 11 a.m. nang tuluyang mawalan ng suplay ng kuryente ang dalawang gusali na naglalaman ng mga manok dahil sa hindi pag-andar ng aircon at ventilator.

Halos mahigit na isang oras namatay lahat ang mga manok sa sobrang init o heat stroke. Nasa dalawang kilo ang bawa’t isa at nakatakdang ideliver kamakalawa.

Pag-aari ni Allen Tan, residente ng Cavite, ang poultry farm ayon kay Maravilla Bgy. Chairwoman Minda Ido.

Nagdesisyon din aniya itong ipamigay na lamang sa mga residente sa lugar ang mga namatay na manok para hindi masayang at mapakinabangan ng mga ito.

Ligtas naman aniya itong kainin dahil hindi naman ito tinamaan ng sakit.

Aabot sa P6 milyon ang nalugi sa pagkamatay ng mga manok.

Ang mga patay na manok ay nakatakdang ilibing sa lugar,ayon kay Chairwoman Ido.

Publication Source :    People's Tonight