50 sugatan sa bus mishaps sa Bataan, Mt. Province

UMABOT ng 50 commuters ang nasugatan sa magkahiwalay na bus accidents sa Bataaan at Mt. Province, Friday, ayon sa report ng police.

Sa unang report na nakuha ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) 25 individual ang nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang bus sa Sabangan, Mt. Province.

Biyaheng Baguio ang isang bus, habang papuntang Sagada naman ang nakasalubong nito.

Nasa 18 pasahero ang itinakbo sa Luis Hora Hospital habang 7 naman ang dinala sa Bontoc General Hospital.

Kasama sa mga nasugatan ang parehong driver ng mga bus, ayon sa Sabangan police.

Samantala 25 din ang nasugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa pader ng Bataan Nuclear Power Plant Biyernes din.

Sinugod agad sa ospital ang mga sugatan, ayon sa report ng police.

Batay sa inisyal na impormasyon, nawalan umano ng preno ang bus.

Muling nagpaalala ang PCMA sa mga drivers at operators na laging isaisip ang safety first para sa kaligtasan ng lahat.