Home>News>Provincial>9 San Pablo City bgys drug-cleared

9 San Pablo City bgys drug-cleared

San Pablo City — Siyam na barangay sa San Pablo City ang idineklarang “drug cleared” sa isinagawang Barangay Drug Clearing Deliberations na ginanap sa San Lazaro Leisure and Business Park sa Carmona, Cavite.

Ang lungsod ng San Pablo ang may pinakamaraming idineklarang “drug cleared barangays ” sa buong CALABARZON.

Idineklarang drug cleared ang Bgy. Bautista sa pamumuno ni Chairman Lamberto Herrera, Bgy. VI-D ni Chairwoman Jenalyn Mendoza, Bgy. V-B ni Chairwoman Susan Briones, Bgy. VI-B ni Chairman Gernar Avinante, Bgy. II-D ni Chairman Salvador Gamara, Bgy. II-E ni Chairman Romnic Manalo, Bgy. San Isidro ni Chairwoman JasminAlcantara, Brgy. San Lorenzo ni Chairman Ronaldo Flores at Bgy. Soledad ni Chairwoman Teresa Gonzales.

Naging panelist sa deliberation sina Regional Director Jigger B. Montallana, PDEA IV-A;Theresa Malubag, DOH IV-A; Marielle Anne Odchigue, DILG ACAD Focal Person at representatives ng PNP IV-A at DILG IV-A.

Ang Regional Oversight Committee on Dangerous Drugs ng PDEA sa ilalim ng kanilang Barangay Drug Clearing Program ay nag-deliberate ng siyam na bayan at 29 barangays ng Laguna (Sta. Cruz, San Pablo, San Pedro,Alaminos); Cavite (GMA, Carmona, Imus); Batangas (Sto. Tomas) at Rizal (Tanay).

Matatandaan na may nauna ng pitong barangays na idineklarang drug-cleared. Kaya mayroon ng kabuuang 16 nabarangays sa lunsod ma naideklarang drug-cleared na labis namang ikinatuwa ni San Pablo City Mayor Loreto “Amben” Amante.

Publication Source :    People's Tonight