ADU, kutuwang sa pagbangon ng Batangas

January 19, 2020

KATUWANG ang Adamson Universtiy (ADU) sa muling pagbangon ng Batangas partikular ang mga residente sa mga bayan na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ang ADU family sa pangunguna Basic Education Department (BED), Parents Teachers Association (PTA) at Intergrated Community Extension Service (ICES) ay isa lamang sa maraming organisasyon, individual at Local Goverment Units (LGU) ang unang tumugon, sumaklolo at nagsagawa ng relief operaion sa Batangas.

Isang bus na relief goods, tulad ng bigas, canned good, kumot, tuwalya, damit, tubig, toiletries at iba pa, ang personal na dinala ng ADU family sa walong evacuation centers na nasa Brgy. Dita, Ibabao, Labac, Bungahan, Emmanuel, Bayate, St. Isidore at Cuenca Institute sa bayan ng Cuenca Batangas.

Ang mga evacuees ay mula sa iba’t-ibang bayan ng Batangas na labis na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal noong nakaraang Enero 12.

Nagsilbing guide ng ADU family sa “relief mission” ang presidente ng LGBT sa Cuenca Batangas na si Precious Adah Velasquez.

Pinaghahandaan ngayon ng ADU family ang “2nd relief mission” sa darating na mga araw.