‘Akyat-Bahay’ parang nag-shopping sa nilooban

November 20, 2018

ANTIPOLO City, Rizal -- Parang nag-grocery ang isang “Akyat-Bahay Gang” member nang lumabas sa niloobang bahay sa Sitio Upper Zigzag, Bgy. Dalig.

Tinangay ng suspek ang isang Standard Stove, isang LPG tank, isang Mass DVD player, isang rice cooker, isang speaker, isang shouler bag, isang cellphone, isang electrfan at P700 cash.

Ang suspek na kinilalang si Lito Castro Orea Jr., alyas ‘Kilikoy’, 20, ay pumasok nang wala ang may-ari ng bahay na si Fe Junio alas-6 ng gabi.

Nang dumating ang may-ari ay nagulat ito dahil halos nalimas ang mga gamit niya, ngunit nang magtanong siya sa mga kapitbahay ay nakilala ang suspek na agad namang nadakip at nabawi ang ilan sa mga gamit na kinuha nito.