Alkalde: Babae na, bata pa

SAN MANUEL, Tarlac --  Nahalal si kasalukuyang Bise Alkalde Donya Tesoro bilang bagong alkalde ng munisipalidad ng San Manuel.

Siya ang kauna-unahang babae at pinakabata, sa edad na 27 na uupo sa naturang pwesto.

Kanyang papalitan ang amang si Bening Tesoro na nahalal naman bilang bise alkalde.

Ayon kay Tesoro, magiging prayoridad niya ang edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kapayapaan at seguridad.

Bukod kay Tesoro, limang iba pang kababaihan ang nahalal na alkalde sa iba pang bahagi ng Tarlac.  

Ito ay sina Cristy Angeles ng lungsod ng Tarlac, Julie Icmat ng Mayantoc, Estelita Aquino ng Moncada, Elma Macadamia ng San Clemente at Nora Modomo ng Sta. Ignacia.