Home>News>Provincial>Antipolo City anti-drug drive kinilala ng DILG

Antipolo City anti-drug drive kinilala ng DILG

GINAWARAN ng pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Lungsod ng Antipolo City kabilang ang limang iba pang bayan sa Lalawigan ng Rizal, dahil patuloy nitong adhikain at pakikiisa sa pamahalaan sa laban kontra sa ipinagbabawal na gamot.

Sa ginanap na 2020 National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards, kinilala ang Antipolo “for their efforts in ensuring drug-free communities” by complementing the national government’s anti-illegal drugs program through their local ADACs.

Nagpasalamat naman si Mayora Andeng Ynares sa pagkilala ng DILG.

Aniya, isa itong indikasyon na tama ang direksyon na tinatahak ng Lungsod.

Naniniwala rin kasi si Mayora Ynares na kaakibat ng mga krimen at kasamaan ang droga.

“Isa pong karangalan ang ibinigay na pagkilala ng DILG sa pangunguna ni Secretary Año. Kami po ay nagagalak at nabigyang pansin ang aming patuloy na pakikipaglaban kontra sa droga, katuwang ang Philippine National Police sa Antipolo, at Rizal Provincial Police,” sinabi ni Mayor Ynares.

Kinilala bilang “Drug Cleared Sustained Awardee” at “Unaffaected Drug Maintained Awardee” ang Antipolo, dahil sa iba-ibang proyekto nito laban sa droga, at mga pamamaraan para matulungan ang mga tao na nalulong sa droga at nais na itigil ang masamang bisyo.

Bukod sa Antipolo, kinilala rin ang ibang bayan sa Lalawigan ng Rizal sa pangunguna ni Governor Nini Ynares.

Kabilang na diyan ang Angono, Baras, Morong, Pililla at Tanay lahat sa Lalawigan ng Rizal.

We would like to congratulate all the awardee of the DILG 2020 Anti-Drug Abuse Council Special Awards. We appreciate and commend you all for your active participation in the government’s campaign against illegal drugs. The effort of the Philippine National Police become stronger and tougher that it has ever been,” pahayag ni PNP Chief Debold Sinas.

I’d like to commend the awardees for setting a good example for the LGUs and for sustaining your anti-drug efforts, despite the trials brought about by COVID-19…you have nurtured your areas to remain steadfast for families to be safe,” pahayag naman ni Sec. Año

Ang National ADAC Performance Award ay binibigay sa LGU na may mataas na ADAC functionality scores na pinababa o nanatiling mababa ang kaso ng droga base sa report ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang kampanya laban sa droga ay laban nating lahat. Kayo ay naging mabuting halimbawa na dapat tularan ng iba pang mga probinsiya, siyudad, at munisipyo na naway pagdating ng panahon, wala ng problema sa ilegal na droga sa buong bansa,” sinabi ni Año.