Home>News>Provincial>Antipolo gagamit ng K9 dogs vs COVID-19

Antipolo gagamit ng K9 dogs vs COVID-19

HINDI na lang “bantay” sa bahay, kungdi bantay na rin sa mga may sakit na coronavirus o COVID-19.

Malapit nang gamitin ng Lokal na Pamahalaan ng Antipolo City ang mga aso na dumaan sa masusing dumaan sa buwan-buwang pagsasanay para maka-amoy ng may COVID-19.

Makakatulong ng mga nurse at duktor ang mga aso o k9 units, dahil trained sila para malaman kung positibo ang isang tao sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang pang-amoy.

Target ng LGU nab ago pa man sumalang sa mismong antibody o RT-PCR swab test ang nagtutungo sa testing facility, aamuyin muna ng mga aso ang mga suot nilang face mask.

We are hoping po na sana maging matagumpay ang gagawing pag-aaral na ito. Around 1,000 ang target na ma-test. They use itong face mask natin saka yung t-shirt na pinagpawisan ng pasyente na positibo sa COVID-19,” ani Antipolo City Mayor Andeng Ynares na umaasang magiging epektibo ito.

Dagdag pa ni Mayora Ynares, magiging bahagi ang mga makukuha din nilang data sa mga ginagawang pagaaral.

Umaasa si Mayora Ynares na makakatulong ito sa mabilis na detection, at sinabing mas mura rin kasi ito.

Talagang agresibo ang pamahalaang siyudad ng Antipolo na ma-test talaga ang mga tao rito sa amin. Recently lang nga pati mga public school teachers, but also the private school teachers ay tine-test namin,” ani Ynares.

Dumaan sa apat na buwang training sa mga K9 Belgian Malinois na kabilang sa pamilya ng mga bihasa sa explosive detection.

Sinabi ni K9 expert na si Gerry Tabares, ginagamit na ang mga K9 units sa Saudi Arabia at Finland para sa COVID-19 detection.

Yung K9 ginagamit for other disease also such as cancer, malaria… So pwede rin sa COVID… So sabi namin kung kaya nila, kaya rin natin dito,” ani Tabares, presidente ng Universal K9 Training & Services.

Malaking tulong din aniya ang mga aso sa mga medical na pamamaraan.