Home>News>Provincial>ASF cases lumolobo sa 16 bayan sa Laguna

ASF cases lumolobo sa 16 bayan sa Laguna

LABING-ANIM na bayan ang patuloy ang paglobo ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Laguna. Ito ay ayon sa isinagawang pahayag ng pamunuan ng Provincial Veterinary Office (PVO) dito.

Base kay PVO Chief Dra. Mary Grace Bustamante, apektado ng ASF ang lungsod ng Calamba at San Pablo, Los Banos, Calauan, Victoria, Alaminos, Nagcarlan, Liliw, Pagsanjan, Sta. Cruz, Kalayaan, Pakil, Pangil, Famy, Mabitac at Sta. Maria.

Ang mga may ASF na baboy ay dumaan sa iPolymerase Chain Reaction (PCR) Test ng pamunuan ng Bureau of Animal Industry (BAI) Ang iba pang mga karatig na lugar ay patuloy na minomonitor.

Nananatiling negatibo pa rin sa ASF ang tatlong lungsod sakop ng unang distrito ng Laguna habang ang ikatlo at ang ika-apat na distrito ang lubhang naapektuhan sa hindi pa mabatid na dahilan.

Hinggil dito , sinabi naman ni Department of Agriculture (DA) Regional Director Arnel de Mesa na bukod sa Laguna, may naitalang ilang kaso sa mga lalawigan ng Batangas at Quezon.

Publication Source :    People's Tonight