Home>News>Provincial>Babae tumakas sa utang, nagbigti

Babae tumakas sa utang, nagbigti

HINDI na nakayanan ng isang 23-anyos na babae kung paano niya mababayaran ang kanyang utang kung kaya’t pinaniniwalaang nagbigti ito noong Martes sa Bgy. Suso, Santa Maria, Ilocos Sur.

Bandang 1 p.m. ng nasabing araw natagpuan ang biktimang kinilala sa kanyang alias na Aiza, walang asawa, walang trabaho at residente ng nasabing luga, na wala ng buhay na nakabitin sa puni ng mangga.

Sa report na nakarating sa Sta. Maria Police Station, ang insidente ay nangyari sa isang bakanteng lote.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing ang biktima ay natagpuang nakabitin mula sa kadena na nakatali sa kanyang leeg ng bunso nitong kapatid kasama ang dalawa pang kaibigan.

Idineklarang dead on arrival ang dalaga sa RHU Sta Maria.

Nabanggit pa umano ng biktima sa kanyang kapatid na magpapakamatay ito dahil sa kanyang utang, pero hindi sineryoso ng kapatid ang dalaga sa pag-aakalang di ito gagawin ng biktima.

Publication Source :    People's Tonight