Baronda: Iloilo illegal connections pinabayaan, dumami

June 28, 2020
Julienne Baronda
Iloilo Rep Julienne Baronda : “Electricity pilferage has become a practice because the violators have gotten away with their crime but this should be put to a stop. The electricity pilfered or stolen is being charged to the others who religiously pay their dues. This is not fair.”

AMINADO si Iloilo Rep Julienne Baronda na dumami ang ilegal na koneksiyon at naging talamak ang pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City dahil na rin sa kabiguan na habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng sinasabing "organized business." 

Sinabi ni Baronda na suportado ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang na wakasan ang nagaganap na electricity pilferage.

Ginawa ni Baronda ang pahayag bilang reaksyon sa inilunsad na crackdown ni Iloilo City Mayor Jerrry Treñas laban sa organized group na nasa likod ng talamak na pagnanakaw ng kuryente matapos makumpirma na nasa 30,000 ang ilegal na koneksiyon ng kuryente sa lalawigan sa dating pinamumunuan ng Panay Electric Company (PECO).

Ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng electric jumpers ang sanhi ng pagtaas ng systems loss na umabot na sa 9.3 porsiyento.

Ipinapasa ang singil sa nakaw na kuryente sa mga lehitimong konsiyumer

kaya tumataas ang kanilang binabayarang singil sa kuryente.

"Electricity pilferage has become a practice because the violators have gotten away with their crime but this should be put to a stop.

The electricity pilfered or stolen is being charged to the others who religiously pay their dues. This is not fair," pahayag ni Baronda.

Pinapurihan naman ni Baronda ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa naging inisyatibo nito na pagaanin ang requirements sa pag-a-apply ng electric meter.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Baronda na mas marami ang mahihikayat na magpakabit ng kanilang sariling kuntador ng kuryente na nakikitang solusyon upang matigil ang jumper ng kuryente.

"I urge the Ilonggos to stop this electricity pilferage. I understand the new power distributor has made it easier for consumers to apply for their own meters, so this should dissuade them from resorting to illegal connections just to have power. Let us protect our interest.

Let us not allow ourselves to pay for the electricity consumed by those who steal power through the systems loss. Let us report those who steal electricity instead of condoning the pilferers," dagdag pa ni Baronda.

Base sa naging kasunduan sa Iloilo City government para masawata ang ilegal na koneksiyon ng kuryente, sinabi ni MORE Power President Roel Castro na kanilang mas pinadali ang requirements sa pagpapakabit ng kuntador ng kuryente.

Sinabi ni Castro na ilan sa dapat lang na isumite ang certificate of residency, government-issued ID, oath of undertaking of connection and meter at electrical safety inspection reports.

Ibinaba din ng More Power sa P9 ang singil kada kilowatt/hour sa informal settlers para mahikayat na magkaroon ang mga tao ng kanilang sariling kuntador sa halip na magbayad sa mga ilegal na koneksiyon na naniningil sa kanila ng P20 kada kilowatt hour.

Dismayado si Castro sa kabiguan umano ng PECO na matigil ang opagkali ng bilang ng mga gumagamit ng jumper na dahilan kung bakit napabalitang pinakamataas ang singil ng kuryente sa Iloilo City.

"Ilonggos had to pay for the electricity pilfered from such illegal connection for decades. Illegal connections do not just burden legitimate consumers who pay for stolen electricity but it also takes toll on the system which results in overloading," paliwanag ni Castro.

Tukoy na umano ng More Power ang mga nasa likod ng organized business ng pagnanakaw ng kuryente sa Iloilo City.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan sa inilusad nitong crackdown, kanilang target kasama ang MORE Power ay target na mapababa sa kalahati ang bilang ng mga gumagamit ng jumper ngayong 2020.