Home>News>Provincial>Batangas may dagdag na 97 COVID cases

Batangas may dagdag na 97 COVID cases

SIYAMNAPU’T pitong bagong kaso ng COVID-19 cases ang naitala sa Batangas Nov. 16, 2020.

Umabot na ng 10,128 ang total ng COVID-19 cases sa lalawigan, ayon sa report ng lokal na pamunuan ng Department of Health (DOH).

Sinabi rin ng DOH na 9,125 ang naireport na gumaling sa lalawigan habang 293 ang nasawi.

Ang Batangas City ay may naitalang anim na bagong kaso: 11 sa bayan ng Malvar, 22 sa San Jose, 15 sa San Pascual, anim sa Calaca, pito sa Nasugbu, tatlo sa Lipa City at apat sa Tanauan City.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang magiting na pagganap ng ating mga frontliners, ng pamahalaan, at ng ating mga lingkod bayan sa kani-kanilang mga tungkulin upang tuluyang masugpo ang COVID-19.

Paalala ni Batangas Gov. Dodo Mandanas sa mga Batangueño na sundin ang mga minimum health standards tulad ng physical distancing, madalas na paghuhugas ng kamay, at pagsusuot ng face mask at face shield kung lalabas ng tahanan.

Publication Source :    People's Tonight