Home>News>Provincial>Bawas-tubig sa Binga, Magat Damas patuloy

Bawas-tubig sa Binga, Magat Damas patuloy

PATULOY pa ring ang pagbabawas ng reserved na tubig ang Binga dam sa Itogon Benguet at Magat Dams sa hangganan ng Ifugao at Isabela, ayon sa report.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical ang Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrometeorology Division, layon nito na hindi lumagpas sa normal water elevation ang naturang mga dam habang nakakaranas pa ng ulan dulot ni typhoon Quinta.

Ayon sa PAGASA, isang gate ng Binga dam ang binuksan na may taas na .30 meters habang dalawang gate naman sa Magat Dam na binuksan ng tatlong metro.

Base sa reading Linggo ng umaga , nasa 574.3 meters ang lebel ng tubig sa Binga Dam na halos ilang sentimetro na lang bago maabot ang normal high water level na 575 meters.

Nasa 190.29 naman ang lebel ng tubig sa Magat Dam na halos dikit na rin sa 193 meters na normal water elevation nito.

Hanggang kahapon ng 4 a.m. umangat din ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa 79.40 meters mula sa 79.32 meters kahapon.

Bahagya ding tumaas ang lebel ng tubig sa Angat ng hanggang 193.08 mula sa 192.14 meters Linggo ng hapon.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight