Home>News>Provincial>Binatilyo nangisda pandagdag ECQ ulam, nalunod

Binatilyo nangisda pandagdag ECQ ulam, nalunod

MINALAS masawi ang 18 anyos na mangingisda ng sumabit ang  bahagi ng dalawang paa sa fish  net habang nangingisda sa  bahagi ng Laguna Lake na pangayuda sana sa pangulam nitong  Linggo ng madaling araw sa Bgy.  Malaban, Biñan City, Laguna.

Kinilala ni PLt.Col  Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police ang nasawing biktima na si Lester Casalme,  residente ng Zone 3 (Ilaya) Bgy. Malaban sa nasabing lungsod.

Bagama’t nagawa pang maisugod ng nakababatang kapatid na si Ian na kasama sa pangingisda, nalagutan ito ng hininga sa Ospital ng Biñan bunsod Ng acute respiratory failure.

Sa imbestigasyon ng pulisya dakong 2:30 ng madaling araw, ang magkapatid ay umalis sa kanilang bahay upang manghuli ng isda para sa karagdagang ulam.

magkahiwalay sila sa panghuhuli at nagusap na magkikita pagkatapos ng  pangingisda.

Subalit matapos ang pangingisda, hindi na ito sumulpot dahil nakapulupot na ang dalawang paa.

 

Publication Source :    People's Tonight