Home>News>Provincial>BPH may ultrasound machine mula Pilipinas Shell

BPH may ultrasound machine mula Pilipinas Shell

BATANGAS City — Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, ang isang ultrasound machine na ipinagkaloob ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. sa Batangas Provincial Hospital (BPH) sa Bayan ng Lemery noong ika-16 ng Setyembre 2020 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang donasyon ay naisagawa sa pamamagitan ng Malasakit Center na matatagpuan sa BPH at tanggapan ni Senator Bong Go.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, ang Pilipinas Shell sa patuloy nitong pagiging katuwang ng Batangas, hindi lamang sa larangan ng pagpapalakas ng ekonomiya, kundi pati na rin sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan.

Binigyang-pansin din ni Dimaunahan ang iniligay ng Shell na palaruan ng mga bata sa Batangas Sports Complex. Ito ay ginawang evacuation center ng daan-daang mga pamilya noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero ng taong ito.

Binanggit ni Pilipinas Shell Executive Director Sebastian Quiñones, Jr. ang mga corporate social outreach activities ng kanilang kompanya sa Batangas na nakatuon sa edukasyon, kalikasan, kalusugan at sanitasyon.

Malaki ang nagiging ambag ng Pilipinas Shell sa pamamagitan ng kanilang mga tuloy-tuloy na social outreach programs sa lalawigan, tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal, pagbubukas bilang shelter stations ng ilan nilang mga gas stations para makapagbigay ng emergency drinking water, first aid kits, at libreng mobile charging services; at pagkakaloob ng libreng fuel para sa mga gawaing may kinalaman sa disaster management ang response.

Nakibahai sa turnover ceremony si Sen. Go, sa pamamagitan ng isang video message at ng kanyang Chief of Staff na si Angelo Villar, na nagdala rin ng 200 food packs para sa mga kawani at medical frontliners ng Batangas Provincial Hospital.

Ibinahagi rin ni Villar ang planong paglalagay na isa pang Malasakit Center sa lalawigan bago magtapos ang taong 2020.

Ipinaabot naman ni Dr. Jessie Villanueva, BPH chief, ang kanyang pasasalamat sa Malasakit Centerat na malaki ang naitutulong sa mga pasyente sa mga gastusing medikal.

Kabilang sa mga nakiisa sa aktibidad sina Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, PHO Assistant Department Head, Dr. Gerald Alday, Pilipinas Shell Media Relations Manager, Cesar Abaricia, at Shell Research, Information and Communications Officer, Paulene Paguia.

Publication Source :    People's Tonight