Home>News>Provincial>Bulacan rape suspect huli sa Dasmarinas

Bulacan rape suspect huli sa Dasmarinas

ARESTADO ng Laguna Provincial Intelligence Unit (PIU), Plaridel Bulacan at Dasmarinas City PNP ang itinuturing na Most Wanted Person sa Bgy. Salitran II, sa Dasmarinas City.

Ayon sa ulat ni PIU Chief PLt. Arvin Avelino kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang suspek na si Ferdinand Vargas, driver, ng Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan.

Kasong rape ang kinasasangkutan ng suspek sa Plaridel, Bulacan. Kaanib din umano siya ng Ireneo Criminal Gang Laguna. Nakapiit siya ngayon sa Dasmariñas City Police custodial facility.

Publication Source :    People's Tonight