Home>News>Provincial>Bunsoy sinaksak si kuya

Bunsoy sinaksak si kuya

NAGMISTULANG Abel at Cain ang dalawang magkapatid dahil sa pananaksak ng nakababatang kapatid sa kanyang kuya Huwebes ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Bgy. Poblacion East, Sta. Maria Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Jonard Cambe, 22, walang asawa, estudyante at ang biktima na si Rene Boy, 36, magsasaka, walang asawa at parehong residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng pulisya, ang magkapatid ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan.

Sa tindi ng kanilang pagtatalo, ang suspek ay kumuha ng kutsilyo at pinagsasaksak ang kanyang kuya na nagtamo ng mga sugat sa leeg at balikat.

Ang biktima ay isinugod sa Eastern District Hospital sa Tayug para gamutin habang ang suspek ay nasakote ng mga tauhan ng Sta. Maria Police Station at ngayon ay nasa kanilang pangangalaga.

Publication Source :    People's Tonight