Home>News>Provincial>Calapan City may 22 COVID cases

Calapan City may 22 COVID cases

CALAPAN City, Oriental Mindro — May pagbabago at pahabol ang City Health and Sanitation Department sa ating daily tracker matapos lumabas ang resulta ng PCR testing sa mga contacts ng mga naunang nag COVID-19 positive.

Ito ang sinabi ni Calapan City Mayor Arnan Panaligan sa mga mamamayan sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ni Panaligan na bukod sa tatlong naunang naitala na positibo, may karagdagang 19 na nadagdag kaya umabot sa 22 ang COVID-19 positive.

Sa 19 na karagdagang COVID-19 positive, pito ang naka-close contact ng policewoman mula sa Calapan Police Station na kinabibilangan ng kaniyang pamilya at kasama niyang policewoman.

Ang pitong ito ay naka-isolate na simula pa noong August 14, 2020 at lahat sila ay asymptomatic o walang anumang sintomas.

Pito ang mga inmates mula sa Oriental Mindoro Provincial Jail na nailipat na sa New Oriental Mindoro Provincial Jail sa bayan ng Bansud.

Lima ang police recruits mula sa ibang bayan ng Oriental Mindoro at ibang probinsya ng Mimaropa Region na kasalukuyan ay naka-quarantine sa PNP Regional Headquarters sa Bgy. Suqui.

Sapagkat dito sa Calapan City na-swab ang mga preso at mga police recruits na galing sa ibang bayan at probinsya, sila ay naka-tally bilang kaso sa lungsod.

Ang City Health and Sanitation Department ay nakatutok sa mga kasong ito at tinitiyak na kontrolado ang sitwasyon. Ang mabuting aspeto ng mga bagong kasong ito ay nananatiling limitado sa hanay ng mga pulis at mga preso.

Bakit dumami ang mga naitalang COVID-19 cases sa Calapan City?, tanong ng mayor.

“Ito ay dahil sa agresibong pagsasagawa natin ng Pcr testing sa mga suspect cases at sa mga na expose sa mga positive cases at dahil din sa masigasig na contact tracing ng mga na expose sa virus. Ang ating strategy ay hanapin at ma-identify ang mga possible Covid-19 cases at mga nakasalamuha nila. Ang ating tactic ay Test, Trace, Isolate and Treat. Dahil sa yan ang ginagawa ng City Health and Sanitation Department, nakikita at nalalaman natin ang mga Covid-19 positive cases,”ayon sa butihing mayor.

Ayon pa rin kay Panaligan, ang huling araw ng MECQ sa Calapan City ay noong August 26, kaya’t balik ito MGCQ August 27.

Publication Source :    People's Tonight