Home>News>Provincial>Cascolan: Pagkamatay ni Parojinog Imbestigahan

Cascolan: Pagkamatay ni Parojinog Imbestigahan

Ricardo Parojinog

INIUTOS na ni Philippine National Police Chief General Camilo Cascolan ang agarang imbestigasyon ng kaso ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo ‘Ardot’ Parojinog na natagpuang patay sa loob ng kanyang detention cell sa Ozamiz City Police Station Byernes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) spokesman Brig. General Bernard Banac.

Ayon kay Banac , dakong 6 a.m. nang matagpuan ang bangkay ni Parojinog.

Si Ardot ay kapatid ng napatay na si Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog.

Si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. kasama ang kanyang misis at 14 iba pa ay namatay sa isang anti-narcotics raid ng pulisya noong July 2017.

Nagbigay si Pangulong Rodrigo Duterte noong September 2017 ng P5 million pabuya sa pagkahuli ni ‘Ardot’ na ponaniniwalaang nagtago sa Taiwan hanggang madakip siya ng mga Taiwanese authorities noong May 2018.

Ayon kay Banac, walang nakitang pangyayari ng violence sa loob ng detention cell.

“No violence was noted but he was supposed to attend a hearing in an Ozamiz City court today. His travel was covered by a court order,” ani Banac.

Gayunman, inilagay na ni PRO10 director PBGen Rolando Anduyan sa restrictive custody ang Chief of Police ng Ozamis at lahat ng night shift duty personnel para sa imbestigasyon.

Ngayong araw nakatakda sana ang pagdalo ni Parojinog sa pagdinig sa kanyang kasi sa Ozamis City Court.

Si Ardot ay kapatid ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na namatay sa isinagawang anti illegal drug operation ng Philippine National Police noong 2017 sa kanyag bahay sa Ozamiz City.

Publication Source :    People's Tonight
Zaida I. Delos Reyes
Native of Pampanga, resident of SJDM, Bulacan