Catanduanes niyanig ng 4.8 lindol

November 14, 2018

NIYUGYOG ng 4.8 magnitude na lindol ang Ca-tanduanes kahapon ng 1:33 ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology (PHivolcs).

Sa report, ang sentro ng pag-uga ay 95 kilometro ng hilagang silangan ng Gigmoto, Catanduanes.

Tectonic ang ugat ng lindol at umabot sa 53 kilometro ang lalim sa lupa ng naturang lindol.

Wala namang naiulat na damage ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.