Home>News>Provincial>Cellphone ng pinaslang na Laguna mayor ‘nawawala’

Cellphone ng pinaslang na Laguna mayor ‘nawawala’

NANANATILING nawawala ang umano’y personal belongings ni Los Baños,Laguna Mayor Ceasar Perez partikular ang cellphone na ginamit nito nang barilin habang nakatayo sa likod ng kanyang opisina Huwebes ng gabi.

Ito ang nabatid ng Peoples Tonight sa isang mapagkakatiwalaang tauhan ng munisipyo.

Ayon sa source, hawak ng alkalde ang kanyang cellphone bago ito barilin ng hindi pa kilalang salarin bandang 8 p.m.

Si Perez ay nagtamo ng limang tama ng bala sa likod ng kanyang ulo at itaas na bahagi ng likod ng katawan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) ng Laguna PNP.

Publication Source :    People's Tonight