Home>News>Provincial>Contact tracers training isinagawa sa Batangas

Contact tracers training isinagawa sa Batangas

BATANGAS Capitol — Bilang bahagi ng kampanya laban sa COVID-19, isinigawa ang dalawang araw na orientation ng mga contact tracers para sa Batangas kamakailan sa DREAM Zone, Capitol Compound sa lalawigan.

Sa panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Ginoong Joel B. Gaona, Local Government Operations Officer II ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Batangas,ibinahagi nito na nasa 400 contact tracers ang sumailalim sa pagsasanay na isinagawa ng mga kawani ng DILG, Department of Health at Philippine National Police.

Ayon kay Gaona, 800 contact tracers ang kailangan para sa buong probinsya na idedestino sa iba’t ibang lungsod at bayan. Bukas pa rin ang “contact-less” na aplikasyon hanggang Oktubre 18, 2020, na maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagbisita sa Facebook account ng DILG Batangas.

Ilan sa mga kwalipikasyong hinanap para maging contact tracer ang pagiging tapos ng allied medical courses o Criminology at may kakayahang magsagawa ng data gathering, research at documentation kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Ang mga mapipiling contact tracers ay magiging mga job order staff ng gobyerno, na may kontrata hanggang katapusan ng Disyembr 2020, at makatatanggap ng buwanang sahod na katumbas ng Salary Grade 9 para sa mga government employees o mahigit ₱18,000, communication at travel allowance, personal protective equipment (PPE) at mga vitamins.

Publication Source :    People's Tonight