Home>News>Provincial>Davao Oriental inuga ng 5.1 magnitude lindol

Davao Oriental inuga ng 5.1 magnitude lindol

INUGA ng 5.1 magnitude na lindol ang Jose Abad Santos, Davao Oriental kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 8:45 a.m. Tectonic ang origin at may lalim ito sa lupa ng 091 kilometers.

Naramdaman ang intensity 1 sa General Santos City, Koronodal, South Cotabato, Alabel at Kiamba, Sarangani, ayon sa agency.

Nagbabala ang Phivolcs na asahan ang pagkaroon ng mga aftershocks.

Wala namang naiulat na mga damage of property o anumang pinsala.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight