Ibinibigay ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy A. Cimatu (panglima sa kanan) kay Kalipunan ng mga Kawani sa Kagawaran ng Kalikasan (K4) National President Joselyn Sarile (panglima sa kaliwa) ang calamity donation na nilikom ng DENR management na nagkakahalagang P359,000. Layunin ng donasyon na matulungan ang mga empleyado ng DENR na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Rolly partikular na sa mga probinsiya ng Catanduanes at Marinduque. Katuwang ni Cimatu sa ginanap na turn over noong Nobyembre 5 sa OSEC Conference Room, DENR Main Building, Visayas Avenue, Quezon City si Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny D. Antiporda (dulong kanan). Kabilang sa larawan sina (mula sa kaliwa) Alvin Legaspi at Wilhelmina Diez, miyembro ng K4 Secretariat at DENREU Central Office, Administrative Service Director Rolando Castro; K4 Treasurer at LMB Union President Engr. Beato Cefre, Jr.; BMB Union President Elpidio Gelera; DENREU Director Ethel De Guzman; at DENREU President Alvin Gatbonton. Kasama naman sa nakibahagi sa pamamagitan ng Zoom sina K4 Chairperson Emma Delima, mga DENR Regional Union Presidents at dating K4 Presidents, Atty. Camilo Garcia, Atty. Alvin Constantino at Juan Evangelista.
Home>News>Provincial>DENR nagbigay ng P359,000 donation sa K4 upang makatulong sa DENR employees na naapektuhan ni ‘Rolly’
DENR nagbigay ng P359,000 donation sa K4 upang makatulong sa DENR employees na naapektuhan ni ‘Rolly’

Suggested Articles
House okays bill on statutory rape
THE bill raising the age to determine statutory rape from below 12 to below 16, regardless of sexual orientation of
No lockdown of Ecija market during holidays
SAN ANTONIO, Nueva Ecija — The municipal public market will not be locked down this holiday season, Mayor Arvin C.
Game On PH puts new twist on sports training
THE outbreak of the coronavirus pandemic has already forced most sports in the country to shut down, but Game On
Yasmien may #TagalogChallenge sa anak
[caption id="attachment_669" align="aligncenter" width="900"] Yasmien Kurdi[/caption] BINIGYAN ni Yasmien Kurdi ng Tagalog/Filipino challenge ang kanyang anak na si Ayesha. Sa