Home>News>Provincial>Distancing stick panlaban ng  San Pablo laban sa COVID

Distancing stick panlaban ng  San Pablo laban sa COVID

ISANG innovative project ang ipatutupad ni San Pablo City Mayor Loreto Amante para umigting pa ang social distancing.

Ito ay ang paggamit ng “distancing stick” na may isang metro ang haba na may“clip” sa dulo.

Ayon kay Amante, may 100,000 distancing sick ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga households sa lunsod.

Ang distancing stick ay gagamitin upang masiguro ang distansya ng bawat isa. Ang clip naman na nasa dulo nito ay maaaring gamitin sa pagbabayad kung may bibilhin st maaaring ipitin dito ang perang pambayad at sukli.

Pwede ring itong pang-ipit ng ID kung kinakailangan.

Paggamit nito ay mami-minimize ang contact sa mga bagay bagay nanagpapasalin salin na maaaring sanhi ng pagkalat ng vius.

Una na rito ay hinangaan ni Testing Czar, Sec. Vince Dizon at NTF Deputy Chief Implementer ang pag-launch ng distancing stick sa nakaraang pagbisita ng National Task Force Members sa lunsod kamakailan.

Humanga rin si NTF Medical Adviser, Dr.Teodoro Herbosa sa paggamit ng QR Code ng lunsod para sa mabisang paraan upang maging mapabilis ang contact tracing sa mga infected ng COVID-19 at sa mga nakasalamuha nito.

Publication Source :    People's Tonight