Home>News>Provincial>Dolor namahagi ng gamit paaralan sa Or. Mindoro

Dolor namahagi ng gamit paaralan sa Or. Mindoro

Bonz Dolor
Governor Bonz Dolor (gitna) habang namimigay ng mga tablets sa mga mamamayan. Screen grab mula sa Facebook

ORIENTAL Mindoro — Namahagi kamakailan si Gov. Humerlito “Bonz’ Dolor ng Android tablets para sa mga Grade 12 senior high school students sa mga paaralan sa bayan ng Naujan na sakop ng District 7 at 8, kabilang ang Aurora National High School, Evangelista National HS, at Inarawan National NHS.

Karagdagang 100 Android tablet naman para sa Apitong NHS at Malvar HS ang nakatakda pa ring ipamahagi ng gobernador.

Nagkaloob din ng cash incentives si Dolor sa 356 na barangay health workers at 43 barangay nutrition scholars.

Tumulong sa pamamahagi sina Vice-Gov. Jojo Perez, mga SP board members ng Unang Distrito, 2 ex-officio members, mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Naujan at mga opisyal ng Department of Education-Oriental Mindoro Division.

Ang ika-70th selebrasyon ng pagkakatatag ng lalawigan ng Oriental Mindoro ay para sa ordinaryong mamamayan. Nararapat lang na Kapitolyo naman ang maglingkod sa lalawigan. Gagawing posible ng Kapitolyong maihatid sa mamamayan ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa mula sa mga Barangay Evangelista, Aurora at Inarawan sa Bayan ng Naujan. Magkita-kita tayo sa mga susunod na araw, Mindoreños,” ani Gov. Dolor.

Nakapagbigay ang pamahalaan ng 357 na tablets sa mga magaaral na Grade 12.

Namahagi rin ang mga local officials ng printers, coupon bonds, semento, pintura at 3 Risograph sa 30 paaralan.

Publication Source :    People's Tonight