Home>News>Provincial>Dolor tuloy ang ayuda sa mga biktima ni Rolly

Dolor tuloy ang ayuda sa mga biktima ni Rolly

ORIENTAL Mindoro — Maagap ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamunmuno ni Gov. Bonz Dolor at ng mga lokal na Municipal Social Welfare and Development Officers (MSWDO) sa pagtulong mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly.

Mabilisang naghanda ng relief goods ang Pamahalaang Bayan ng Gloria katuwang ang mga PNP personnel ng Gloria Municipal Police Station sa municipal gymnasium sa Bgy. Maligaya, ng bayang ito ,upang ipamahagi sa mga naapektuhang pamilya ng bagyong Rolly.

Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat din ni Dolor na panatilihin pa rin ang minimum public health standards ukol sa COVID-19 sa mga evacuation centers at pasilidad, gaya ng physical distancing at pagtatalaga ng handwashing areas.

Inalam din ng grupo ng PNP MIMAROPA at Calapan CPS ang aktwal na kalagayan ng Calapan Port para sa pagbabalik ng operasyon ng passenger ships.

Nagbigay ng pagkain ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga stranded drivers ng mga rolling cargoes. Nagsagawa ng inspeksyon dito si PRO MIMAROPA Regional Director PBGEN Pascual G. Munoz, Jr., kasama sina PCOL Christopher Dela Cruz, OIC, CRDS , PLTCOL Imelda V. Tolentino, OIC RCADD , PCOL Bernard B. Marzal, RC, at PLTCOL Timoteo L. Espiritu, Jr, Acting Chief of Police ng Calapan City.

Ininspeksyunan din ang mga stranded vehicles na naiwang nakaparada sa kahabaan ng highway sa Bgy. Sta. Isabel, Calapan City dahil sa bagyong Rolly.

Publication Source :    People's Tonight