Home>News>Provincial>Ex-Cabinet member nagpatayo ng santuario sa Bataan

Ex-Cabinet member nagpatayo ng santuario sa Bataan

Catholic
Pinangunahan nina Charge d’ Affairs of Apostolic Nunciature to the Philippines Msgr. Julien Kabore, Bishop Ruperto Santos, D.D, at ilang kaparian ng The Roman Catholic Diocese of Balanga ang pagdeklara ng Santuario Diocesano De La Sagrada Familia sa Bgy. Tala, Orani. Dumalo din sina Gov. Abet Garcia, Vice Gov. Cris Garcia, Mayor Gila Garcia ng Dinalupihan at iba pang bisita. Kuha ni CHRISTIAN SUPNAD

ORANI, Bataan- Pinasalamatan ng mga provincial officials si ex-Cabinet Secretary Norberto Gonzales at ang kanyang pamilya dahil sa pagpapatayo nila ng isang sagradong kanlungan ng mga Katoliko.

Noong ika-21 ng Nobyembre, sa pangunguna nina Charge d’ Affairs of Apostolic Nunciature to the Philippines Msgr. Julien Kabore, Bishop Ruperto Santos, D.D at ilang kaparian ng The Roman Catholic Diocese of Balanga ay idineklara ang Santuario Diocesano De La Sagrada Familia sa Bgy. Tala, Orani bilang isang banal na santuario kasabay ng pag-aalay ng dasal para dito.

Dumalo din sa nasabing okasyon sina Vice Gov. Cris Garcia, Dinalupihan Mayor Gila Garcia, Hermosa Mayor Jopet Inton, Limay Vice Mayor Richie David at iba pang mga provincial officials.

Lubos naman po ang pasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan kay dating DND Secretary Norberto Gonzales at sa kanyang pamilya sa pagpapatayo ng sagradong kanlungang ito para sa ating mga kababayan bilang bahagi ng adhikain ng Simbahang Katoliko na mas pagtibayin pa ang pananampalataya nating mga Bataeno lalo na ngayong panahon ng pandemya at maging pilgrimage destination ang ating lalawigan,” ani Garcia.

Ang Bgy. Tala ay kilala bilang “Tagaytay o Baguio City” ng Bataan dahil sa kakaibang taglay nitong lamig at tanawin dahil nasa tuktok ito ng bundok ng bayan ng Orani.

Publication Source :    People's Tonight