Ex-kapitan ng barangay patay sa pamamaril sa Abra

April 06, 2020

PATAY sa pamamaril ang isang dating kapitan ng barangay sa Guimba, San juan, Abra bandang 8:20 p.m. noong Linggo.

Kinilala ng mga otoridad ang biktimang si Leo B. Barbosa, a.k.a. "Jumong", dating kapitan ng nasabing barangay.

Ayon sa report ng pulisya, ang biktima ay nakatayo sa tapat ng kanilang bahay na kung saan ay binaril ito ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.

Agad na isinugod ang biktima sa Abra Provincial Hospital pero idineklara na itong dead on arrival ng doktor na tumingin.

Kasalukuyang nagsagawa na ng hot pursuit operation ang mga otoridad.

Napag-alaman na ang biktima ay provincial Coordinator umano ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa para sa probinya ng Abra.

Ayon pa sa natanggap na report, ang biktima ay magbabahagi sana ng mga gamit na donasyon para sa pangangailangan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 sa probinsiya.