Home>News>Provincial>Ex-sports writer sumulat kay PRRD

Ex-sports writer sumulat kay PRRD

SUMULAT sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang dating sports writer ng Manila Bulletin upang humingi ng tulong at itanggi ang umano’y maling paratang sa kanya.

Sa isang pahinang sulat kay Duterte, itinanggi ni Virginia Rodriguez ang isang notice to the public kung saan siya kasama.

Nakasaad sa notice to the public ang mga katagang “This is to warn the public of the recently reported incidents regarding individuals claiming to have the capacity or influence to facilitate the release of funds to Local Government Units (LGUs).”

Kabilang ang pangalan ni Rodriguez sa tinukoy sa notice.

Mariing pinabubulahan ni Rodriguez ang akusasyon at sinabing wala siyang kakayahan para impluwensiyahan ang gobyerno.