Home>News>Provincial>FAB, ilang Mariveles bgys COVID-free na

FAB, ilang Mariveles bgys COVID-free na

MARIVELES, Bataan — Matapos maging epicenter, ang Freeport Area of Bataan (FAB) at ilang barangay ng Mariveles ay coronavirus-19 (COVID-19)-free na.

Wala na pong aktibong COVID-19 case ang FAB! Matapos makarekober ang huling apat na pasyente, natupad na po natin ang ating hangad na maging COVID-free muli ang FAB,” anang statement ng FAB sa media.

Taos-pusong pasasalamat ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa pangunguna ni Administrator Emmanuel Pineda, sa pakikiisa ng lahat.

Anang FAB, “Ipagpatuloy po natin ang ating nasimulan at disiplina. Ibayong pag-iingat maging sa tahanan, komunidad o pampublikong lugar ang kailangan.

Isuot nang tama ang face mask at face shield, magphysical distancing, limitahan ang paglabas, at magdisinfect para sa proteksyon ng ating pamilya at pamayanan. Gayundin, manatiling nakaantabay sa mga anunsyo at impormasyon mula sa ating FB Page,” dagdag ng FAB.

Samantala, muling pinarangalan noong December 21, 2020, ang mga barangay sa Mariveles na nakapagtala ng Zero COVID cases sa loob ng labing limang araw o napababa ng 20% o mahigit pa ang mga kumpirmadong kaso.

Ito ay base sa datos ng Provincial Health Office (PHO), ani Mayor Jocelyn P. Castañeda.

Noong NOVEMBER 16-30, 2020, sinabi ni Castańeda na “bumaba ng 20% o higit pa ang mga kumpirmadong kaso” sa mga sumusunod na barangay: Barangays Alasasin, Baseco, Batangas II, San Carlos, San Isidro at Mt. View.

COVID-free naman ang Barangays Alion, Biaan, Cabcaben at Townsite.

Noong December 1-15, 2020, iniulat ni Castañeda na ‘bumaba ng 20% o higit pa ang mga kumpirmadong kaso” sa Barangays Alasasin, Batangas II, Camaya, Lucanin, Maligaya, Mt. View, Poblacion, San Isidro at Sisiman.

COVID-free naman ang mga Barangays Alion, Biaan at Townsite.

Ang 1Bataan Seal of COVID-Free Barangay ay programa ni Gov. Abet S. Garcia kasama ang PHO, bilang pagkilala sa kabayanihan at sakripisyo ng mga bumubuo ng Bataan Health Emergency Teams (BHERT), Rural Health Unti (RHU), at Local Contact-Tracing Teams (LCCTs) na nagtutulungan upang mapababa ang bilang ng mga kaso sa kanilang nasasakupan. Ang mga awardees ay nakatanggap ng Certificate of Recognition at Cash Incentive na P25,000

Maraming salamat po, Gov. Abet!,” dagdag pa ni Castańeda.

Publication Source :    People's Tonight