Fatima University walang pasok dahil sa bomb threat

December 12, 2018

CAMP Brig. Gen. Vicente Lim, Bgy. Canlubang, Calamba City, Laguna -- Walang pasok noong Martes sa Our Lady of Fatima University dahil sa isang ‘bomb threat’.

Tumanggap ng isang MMS message sa messenger ang General Services head na si Albert Alberto 9:34 p.m. noong December 10 na nagsasabing ‘bukas may magaganap na pagsabog mismo sa loob ng Fatima. Hanapan bomba tayo Fatima lang kami ang magdedesisyon kung anong oras at araw pasasabugin. Mag-ingat kayong lahat booommmmm”. 

Agad namang kinordon ng mga pulis ng Antipolo ang kabuuang lugar ng paaralan subalit walang bomba na nakita.