Home>News>Provincial>Fil-Am dinukot sa Zamboanga del Norte

Fil-Am dinukot sa Zamboanga del Norte

ISANG Filipino-American ang dinukot ng di pa nakikilalang suspect Miyerkules ng hapon sa Zamboanga del Norte.

Nakilala ang biktima na si Rex Triplet, 64, residente ng Bgy. Tapanayan, Sirawai, Zamboanga del Norte.

Ayon sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 6 p.m. sa Bgy. Piacan.

Sa hiwalay na ulat ng Philippine Army’s 42nd Infantry Battalion, napag-alaman na ang biktima kasama ang kanyang 24-anyos na asawa na nakilalang si Celsa Maani ay pauwi na sa kanilang bahay lulan ng isang motorsiklo nang harangin ang mga ito ng apat na armadong suspects na naksuot ng fatigue uniforms sa Barangay Tapanayan.

Armado umano ang mga suspect ng matataas na kalibre ng baril tulad ng M-203 grenade launcher at maliit na baril.

Tinutukan ng mga baril ang biktima at pwersahang isinakay sa isang sasakyan.

Sa gitna ng komosyon ay nagawa namang makatakas ni Celsa at humingi ng tulong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Publication Source :    People's Tonight
Zaida I. Delos Reyes
Native of Pampanga, resident of SJDM, Bulacan