Fontana walang kinalaman sa illegal na health facility

May 23, 2020

Nilinaw ng Fontana Development Corporation (FDC) na wala itong kinalaman sa nadiskubreng underground health facility sa isa sa mga villas ng Montana Leisure Park kamakailan.

Sa isang sulat na ipinadala ng FDC kay Clark Development Corporation (CDC) president Noel Manankil, iginiit ng kompanya na kinokondena nila ang anumang mga ilegal na gawain lalo na sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay FDC assistant general manager Simon Wu, ang villa kung saan natagpuan ang isa umanong health facility ay isa nang residential villa sa ilalim ng kompanyang Shidaikeji Technology Corporation na isang long-time locator sa Clark Freeport Zone.

“Fontana has no control over the property or the operations therein.  In fact, Fontana casino, junket and hotel operations have long been suspended. Fontana has zero operations at present,” sabi ni Wu.

Dagdag pa ni Wu, walang kontrol ang FDC sa operasyon at mga ari-arian sa loob ng Shidaikeji Villa at lahat ng mga casino at junket operations sa lugar na pag-aari ng Fontana ay matagal nang itinigil bilang pagsunod sa government-mandated community quarantines.

“Fontana  has zero operations  at  present and we  were  going  to resume our  casino operations  after  the lifting of the community  quarantine,” ayon kay Wu.

Iginiit din ng FDC na ginagamit ng Shidaikeji ang mga villa upang tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga empleyado, subalit nilinaw ng mga ito na hindi ito ginagamit bilang isang COVID-19 clinic.

Ang mga naaresto namang mga foreign nationals na umano’y sangkot sa ilegal na health facility ay pinalaya rin at walang isasampang kaso sa mga ito.

“Fontana fully and wholeheartedly supports the Philippine Government in its battle against COVID-19 and in  the implementation  of any other government  program,” saad ni Wu. “Fontana has voluntarily  implemented  COVID-19  preventive  measures  since January  2020.”

“Further, our Fontana Convention Center -- for which we invested billions of pesos -- is currently being used by the government as an isolation and quarantine facility for PUI.  We have allowed  the use of said structure  as a COVID-19  quarantine  facility  at  absolutely  no cost  to  government immediately  upon learning of the urgent need therefor,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Wu, ipinagamit ng libre ng FDC ang Fontana Convention Center sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at hindi sila nagkulang sa kanilang mga obligasyon, lalo na sa buwis.

“Despite the BCDA's free use of the property, we have still paid the government continuous lease payments on the land, and have never defaulted in any rental payment or tax payment therefor,” sabi ni Wu.

Nilinaw rin ni Wu na ang 490 indibiduwal na sumailalim sa swab testing sa tulong ng Philippine  Red Cross at Philippine Coast Guard ay mga tauhan at empleyado ng Shidaikeji.