Home>News>Provincial>Ginang timbog sa kasong estafa, illegal recruitment

Ginang timbog sa kasong estafa, illegal recruitment

CAMP PACIANO RIZAL, Sta. Cruz, Laguna — Bumagsak sa mga kagawad ng Laguna Provincial Intelligence Unit (PIU) at PS7 Cubao, QCPD ang isang 40 anyos na ginang na kabilang sa Top 7 Most Wanted Person (Regional Level) sa Bgy. Camp Aguinaldo, Quezon, City.

Sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II kay PRO4A Calabarzon Director PBGen. Felipe Natividad, nakilala ang naarestong suspek na si Myra Ventura , alias Melai Salgado, Myra Smith/Madam, tubong Calauan, Laguna.

Sa talaan ng pulisya, lumilitaw na sangkot sa kasong illegal recruitment in large scale at two counts of estafa ang suspek.

Dakong 10:30 p.m. noong Sabado ng magkasa ng Operation Manhunt Charlie ang mga tauhan ni PIU Chief PLt. Col. Arvin Avelino sa lugar sa pamumuno ni PMaj. Reymond Austria bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Divinagracia G. Bustos- Ungkeko, ng Regional Trial Court Branch 91, Sta. Cruz, Laguna kaugnay ng kinasasangkutang kaso ng illegal recruitment in large scale (no bail recommended) at two counts of estafa ng suspek.

Pansamantalang nakapiit ang suspek sa PIU Detention Cell sa Camp Paciano Rizal, sa Sta. Cruz, Laguna.

Publication Source :    People's Tonight